Nais ko itong daluhan

Nakadaupang palad ko na ang mga magagaling na makatâ ng Angono 3/7 Poetry Society na sina Glen Sales at Danilo C. Diaz, kaya paglalaanan ko ng panahong makarating sa pagtitipong ito. Dadaluhan ko lalo na't kalahating oras lang pala ito. Isang pambihirang pagkakataong di dapat palampasin.

Ang pagdalo rito'y isa ring paraan ng pagsuporta sa mga kapwa makatâ. Sana'y walang ibang mahalagang iskedyul upang muli kong makadaumpang palad ang mga kaibigang makatâ, na matagal na panahon ding di ko nakita ng personal.

Comments

Popular posts from this blog

Isang pelikula at isang talambuhay sa MET

Sarado na ang Fiesta Carnival