Posts

Paunang Salita sa planong aklat na "Talambuhay ng Ilang Manunulat na Nagpatiwakal"

Image
PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr. Hindi ako sikolohista kundi isang biyudong nakaranas ng depresyon. Kalagitnaan ng Abril 2026, halos dalawang buwan bago ang babang luksa kay misis, tumigil ang aking mundo: Hindi ako nakapagsulat, nangulila ang aking mga blog na naglalaman ng aking mga tula, kwento't iba pang sulatin. Sumagi rin sa isip kong tapusin ang aking buhay. Subalit may mga plano kami ni misis na dahilan upang hindi ako magpatiwakal. May plano akong kalipunan ng mga tulang pamamagatan kong "100 Tula Para Kay Liberty" na batid ng aking asawang si Liberty na sinimulan ko na noong nabubuhay pa siya. At nais kong makakatha ng isang nobela kahit minsan sa buhay ko. Gayunman, naisipan kong maghanap ng sikolohista dahil sa nararanasan kong depresyon, subalit nang magtanong ako, P1,500 ang bawat sesyon sa isang sikolohista. Hindi kaya ng tulad kong pultaym na tibak na nagsisilbi sa mga manggagawa't maralita. Kaya naisipan kong ako na lang ang gagamot ng aking d...

Paunang Salita sa aklat na TINIG NG DUKHA, Katipunan ng mga Akda ni Ka Pedring Fadrigon

Image
PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr., sekretaryo heneral ng KPML Maraming naiwang akda si Pedrito “Ka Pedring” Fadrigon , pambansang pangulo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML). Kaya nang mamatay siya noong Oktubre 6, 2019, isa sa naging pasiya ng patnugutan ng pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng KPML, ay ang ilathala ang kanyang mga akda, lalo ang kolum niyang Tinig ng Dukha sa Taliba ng Maralita mula Setyembre 2018. Noong Setyembre 16, 2018 ang ikalimang Pambansang Kongreso ng KPML na muling nagluklok kay Ka Pedring sa pagkapangulo. Bukod pa sa kolum sa Taliba, mayroon pa siyang sulatin na nahalukay ko sa internet, na isinama ko rito. Hindi ko lang naipon ay ang kanyang mga sulatin sa dyaryo ng SAMANAFA (Samahan ng Maninindang Nagkakaisa sa Fabella) na dalawang pahinang buwanang pahayagang back-to-back sa short bond paper na ipinapa-riso ng isang ream. Salitan kami ng namayapang Larry Perez Jr. sa paggawa ng dyaryong ito. Ang pagtitipon...

Pambungad sa libretong "Mga Tula at Kwento sa Klima"

Image
PAMBUNGAD ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang munting aklat na ito ng Mga Tula at Kwento sa Klima ay naglalaman ng dalawampu’t isang tula at walong maiikling kwento. Ang mga tulang narito ay natipon ko sa aking baul nang matagal na panahon na ngayon lang malalathala habang ang ilan sa mga tula at ang walong maikling kwento ay unang nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), kung saan nahalal akong sekretaryo heneral nito noong Setyembre 2018. Pinroyekto ito bilang paalala para sa apat na mahahalagang araw sa kalendaryo hinggil sa usaping klima - Abril 22 (Earth Day), Hunyo 5 (World Environment Day), Hunyo 8 (World Oceans Day), at Setyembre 26 (Save Sierra Madre Day) . Ang unang Earth Day ay ginanap noong Abril 22, 1970, nang mag-organisa si Senador Gaylord Nelson ng isang pambansang demonstrasyon upang itaas ang kamalayan tungkol sa pagkasira ng kapaligiran. Ang World Environment Day (WED) ay itinat...

Pagdalo sa 'Kalbaryo ng Kawalan ng Katarungan' ng FIND

Image
PAGDALO SA 'KALBARYO NG KAWALAN NG KATARUNGAN' NG FIND ‎Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. ‎ ‎Umaga ng unang araw ng Abril, dumalo muna ako sa  Kalbaryo ng Kawalang Katarungan,  isang aktibidad ng  FIND (Families of Victims of Involuntary Disappearance)  sa  Bantayog ng mga Bayani . ‎ ‎Nagsimula ang programa ng ikasampu ng umaga, kung saan binasa ang walong pahinang pampleto, na binasa sa harap ng apat na estatwa ng desaparesido na nilikhâ ni National Artist Toym Imao. ‎ ‎Matapos ang programa, nagbigay kami ng repleksyon. Doon ay binigkas ko ang isang tulang kinathâ ko, na pinamagatang  "Hustisya sa mga Desaparesidos" : ‎ ‎wala kaming puntod na titirikan ng kandila ‎hanggang ngayon, sa mahal namin ay nangungulila ‎sila'y aktibistang nagsikilos upang lumaya ‎mula sa pagsasamantala ang bayan at dukha ‎ ‎inorganisa ang kababaihan, manggagawa ‎magsasaka, kabataang estudyante, ang madla ‎ang guro, manininda, abugado, mangingisda  ‎subalit s...

Panonood ng 'Kababaihan ng Malolos' at 'History of the Underground'

Image
PANONOOD NG 'KABABAIHAN NG MALOLOS' AT 'HISTORY OF THE UNDERGROUND' Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Dalawa ang plano ko ng buong araw. Dumalo sa aktibidad na Kalbaryo ng Maralita ng Partido Lakas ng Masa (PLM). Ikalawa, manood ng mahahalagang dokumentaryong pangkasaysayan, ang 'Kababaihan ng Malolos' sa UP Film Center ng ika-11 ng umaga. Ikawalo pa lang ng umaga uy umalis na ako ng Bahay upang daluhan ang unang aktibidad ng PLM sa tapat ng PCUP. Ma-trapik at nakarating ako sa PCUP bandang mag-iika-9 ng umaga. Wala sila. Baka nakaalis na. Sakay agad ako ng dyip puntang Quezon City Hall. Dumating ako ng Kalayaan ng ika-9:30. Nag-abang doon, wala pa sila sa tapat ng DHSUD, nag-almusal ng kanin at sitaw sa gilid na karinderya. Bumalik. Dinaanan ang DHSUD at NHA. Wala pa rin. Bandang ika-10:30 ay umalis na ako at naglakad patungong sakayan ng UP. Nakarating sa UP Film Center Videotheque ng 10:45. Tamang-tama. Pinanood ko ang  'Kababaihan sa Ma...

Ang sepulturero sa pelikulang "Hindi pa tapos ang laban" ni FPJ

Image
ANG SEPULTURERO SA PELIKULANG "HINDI PA TAPOS ANG LABAN" NI FPJ Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Isa ang karakter na  Carding Villamar  ni Fernando Poe Jr. sa tumatak sa akin. Ilang beses na binabanggit ang Villamar sa pelikulang  "Hindi pa tapos ang laban"  dahil iyon ang bukambibig ng mga kontrabida. Malaki kasi ang tama sa akin ng  Villamar  ni FPJ dahil  Villaram  ang gitnang apelyido ko.  Villamar at Villaram. Si FPJ at ako si GBJ. Ang isa pa'y ang Valderama sa pelikulang "Kapag Puno na ang Salop" ni FPJ. Si Eddie Garcia ang Judge Valderama habang si FPJ si Sarhento Guerrero na Hepe ng kapulisan sa bayan ng Buenavista. Villaram, tunog Valderama. Hindi ko maikukwento ang buo o bawat eksena. Subalit batid ng mga mahilig sa mga pelikula ni FPJ ang ganda ng mga kwento ng bawat pelikula niya, tulad nitong "Hindi pa tapos ang laban." Dalawang linggo ang nakararaan ay napanood ko ang pelikulang  "Ekstra" ni Vilma Sa...

Ang siyam na kababaihang itinampok ng MET sa Buwan ng Kababaihan

Image
ANG SIYAM NA KABABAIHANG ITINAMPOK NG MET SA BUWAN NG KABABAIHAN‎ Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nitong Linggo, Marso 15, 2026, ay nakita kong itinampok sa malalaking tarp sa labas at palibot ng  Metropolitan Theater (MET)  ang siyam na kababaihan, indibidwal at tribu para sa  Buwan ng Kababaihan.  Nagtungo ako sa MET upang dumalo sa mga aktibidad doon. Bago pumasok ay kinunan ko ng litrato ang mga tarp ng mga itinampok sa paligid ng MET ayon sa pagkakasunod. Ang mga itinampok na kababaihan ay sina: ‎ ‎1. CJ Opiaza  ‎2. Niana Guerrero  ‎3. Tessa Prieto-Valdes  ‎4. Bianca Denise Bustamante  ‎5. Cathy Garcia Molina  ‎6. Alex Eala  ‎7. T'boli Women ‎8. Fe Del Mundo  ‎9. Ifugao Women ‎ Hindi ko kilala ang marami sa kanila, maliban kina Alex Eala at Dra. Fe Del Mundo. Kaya sinaliksik pa natin kung sino-sino sila at ano ang mga nagawâ nila at naiambag sa ating bansâ. Halos lahat ng saliksik na ito'y mula sa Wikipedia....