Posts

Showing posts from July, 2026

Paunang Salita sa planong aklat na "Talambuhay ng Ilang Manunulat na Nagpatiwakal"

Image
PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr. Hindi ako sikolohista kundi isang biyudong nakaranas ng depresyon. Kalagitnaan ng Abril 2026, halos dalawang buwan bago ang babang luksa kay misis, tumigil ang aking mundo: Hindi ako nakapagsulat, nangulila ang aking mga blog na naglalaman ng aking mga tula, kwento't iba pang sulatin. Sumagi rin sa isip kong tapusin ang aking buhay. Subalit may mga plano kami ni misis na dahilan upang hindi ako magpatiwakal. May plano akong kalipunan ng mga tulang pamamagatan kong "100 Tula Para Kay Liberty" na batid ng aking asawang si Liberty na sinimulan ko na noong nabubuhay pa siya. At nais kong makakatha ng isang nobela kahit minsan sa buhay ko. Gayunman, naisipan kong maghanap ng sikolohista dahil sa nararanasan kong depresyon, subalit nang magtanong ako, P1,500 ang bawat sesyon sa isang sikolohista. Hindi kaya ng tulad kong pultaym na tibak na nagsisilbi sa mga manggagawa't maralita. Kaya naisipan kong ako na lang ang gagamot ng aking d...