Ang nobelang Maring

Ang nobelang Maring

Natapos kong basahin sa isang upuan ang nobelang Maring ng Katipunerong si Aurelio Tolentino kanina sa Fiesta Carnival.

Mula pahina 1 hanggang 70. May pitong kabanata ito. Balak ko kasing gawan ng buod ang bawat kabanata. Sa unang kabanata ay isulat na agad ang buod saka na sunod na basahin ang ikalawang kabanata.

Subalit nawili ako sa pagbabasa, dahil kaygaganda ng banghay at napukaw agad ako sa mga kwento. Kayâ natapos ko agad sa isang pag-upo sa isang upuan sa Fiesta Carnival ang nasabing nobela.

Saka ko na ikukwento ang buong nobela, pagkat isusulat ko muna ang buod ng bawat kabanata. Kinagiliwan ko ang nobelang ito na noong panahon pa ng pananakop ng mga Amerikano ang pinangyarihan ng magandang nobela.

Lalo na't isang Katipunero na kapanahon ni Andres Bonifacio ang sumulat ng akda.

- gregoriovbituinjr.
01.05.2026

Comments

Popular posts from this blog

Isang pelikula at isang talambuhay sa MET

Anekdota sa polyeto ni Heneral Gregorio Del Pilar