Posts

Showing posts from March, 2026

Ang siyam na kababaihang itinampok ng MET sa Buwan ng Kababaihan

Image
ANG SIYAM NA KABABAIHANG ITINAMPOK NG MET SA BUWAN NG KABABAIHAN‎ Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nitong Linggo, Marso 15, 2026, ay nakita kong itinampok sa malalaking tarp sa labas at palibot ng  Metropolitan Theater (MET)  ang siyam na kababaihan, indibidwal at tribu para sa  Buwan ng Kababaihan.  Nagtungo ako sa MET upang dumalo sa mga aktibidad doon. Bago pumasok ay kinunan ko ng litrato ang mga tarp ng mga itinampok sa paligid ng MET ayon sa pagkakasunod. Ang mga itinampok na kababaihan ay sina: ‎ ‎1. CJ Opiaza  ‎2. Niana Guerrero  ‎3. Tessa Prieto-Valdes  ‎4. Bianca Denise Bustamante  ‎5. Cathy Garcia Molina  ‎6. Alex Eala  ‎7. T'boli Women ‎8. Fe Del Mundo  ‎9. Ifugao Women ‎ Hindi ko kilala ang marami sa kanila, maliban kina Alex Eala at Dra. Fe Del Mundo. Kaya sinaliksik pa natin kung sino-sino sila at ano ang mga nagawâ nila at naiambag sa ating bansâ. Halos lahat ng saliksik na ito'y mula sa Wikipedia....

Pagdalo sa Meet and Greet with National Artist Kidlat Tahimik

Image
‎PAGDALO SA MEET AND GREET WITH NATIONAL ARTIST KIDLAT TAHIMIK ‎Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. ‎ ‎Nakadalo ako kaninang umaga sa  Meet and Greet with KIDLAT Tahimik  sa bulwagan sa ikalawang palapag ng Metropolitan Theater (MET) at nagtungo rin sa kanyang eksibit   na   “Portraits of a National Artist as a Kultur Warrior”  sa unang palapag ng MET. Binigyan ko siya ng tatlong aklat ko ng tulâ at salin, nagpa-autograph, at nag-selfie na rin sa kanya. ‎ ‎Dumating ako roon ng ikasampu ng umaga, at nag-umpisa na sila. Buti na lang at nakahabol ako, nasa bungad sila ng MET sa unang palapag. Tinalakay muna ng isang emcee ang kasaysayan ng MET. Kailan ito nagsimula? Sino ang mga iskultor? Ano ang mga batas hinggil sa MET? Kailan itinalagang pambansang tanghalan ang MET? Nang magtanong ang emcee kung may gustong magtanong, nagtaas ako ng kamay. Tanong ko ay ang tungkol sa dalawang iskultura o lilok sa magkabilang gilid ng hagdan sa bungad ng MET, at ...

Parang gerilya akong nagbenta ng aklat sa Philippine Book Festival 2026

Image
PARANG GERILYA AKONG NAGBENTA NG AKLAT SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2026 Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakadalawang araw din ako sa apat na araw na  Philippine Book Festival 2026 , kahapon at ngayon (Marso 13-14) sa SM Megamall. Taon-taon basta may pagkakataon ay sasaglit ako sa anumang book festival, tulad nitong  Philippine Book Festival (PBF)  at  Manila International Book Festival (MIBF)  tuwing Setyembre. Sa Buwan ng Sining nitong Pebrero ay nakapagbenta rin ako sa ilang aktibidad. Salamat at nakabenta rin ng tigatlo kong aklat doon sa ilang mga kakilala at kaibigang manunulat, kina  Albert Banico  ng 8Letters Publication at awtor ng librong "Ang Paghahanap kay Tapat",  Edzel  ng San Anselmo Publications,  Jason  ng Teachers Dignity Coalition (TDC) at may kasamang mga estudyante niya, at  Joebert  ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Ang tatlo kong libreto'y ang  "Malayan...

Dalawang sine hinggil sa Philippine-American War

Image
DALAWANG SINE HINGGIL SA PHILIPPINE-AMERICAN WAR Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Kahapon, Marso 6, 2026, ay napanood ko ang dalawang dokumentaryo / pelikula hinggil sa  Digmaang Pilipino-Amerikano , lalo na ang  Bud Dajo massacre . Talagang inabangan ko ito. Ang dalawang ito'y ang  Memoirs of a Forgotten War , at ang  Cinemartyrs . Ang direktor ay si  Sari Dalena . Nabanggit na  ika-120 anibersaryo ng Bud Dajo massacre  ng araw na iyon. Mula sa isang presscon na pinamagatang  "Defending the Defenders"  na hinggil sa karapatang pantao, ay agad kong hinabol ang nasabing historical dokyu. Alas-kwatro ang simulâ kayâ alas-tres pa lang ay umalis na ako sa 1-4pm na presscon. Marahil, naisip ng ilang kasama, bakit kaya ako nagmamadaling umalis? Tantiya ko kasi, kahit malapit lang, ay baka maleyt ako dahil sa trapik. Dumating ako sa Cine Adarna ng ika-4:10 ng hapon. Naabutan ko pa ang pamagat na War. Di na ako dyuminggel at naghan...

Ang tugmaan sa tula kong "Pluma't Kwaderno"

Image
ANG TUGMAAN SA TULÂ KONG "PLUMA'T KWADERNO" Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Sinubukan kong kumathâ ng tulang may iba't ibang tugmaan. Magkatugmâ ang dalawang magkakasunod na taludtod sa loob ng apat na saknong. Inihalimbawà ko ang taludturan sa  Shakespearean (English) sonnet  at sa  Petrarchan (Italian) sonnet . Sa Shakespearean ay may tugmaang A-B-A-B, C-D-C-D, E-F-E-F, at G-G, habang sa Petrarchan sonnet naman ay may tugmaang A-B-B-A, A-B-B-A, C-D-E, C-D-E. Ang dalawang nabanggit ay soneto, o tulang may tugma't sukat at labing-apat na taludtod. Ang aking kinatha'y may labing-anim na taludtod sa apat na saknong. Ang ginawà kong tugmaan sa tulang  "Pluma't kwaderno"  ay: A-A-B-B, C-C-D-D, E-E-F-F, at G-G-H-H. Narito ang nasabing tula: PLUMA'T KWADERNO palagi akong may dalang pluma't kwaderno sa bulsa at sa bag, lalo na't handang magsulat ang mangangathâ sa dadaluhan kong pulong ay ilalabas na iyon susulat ng katitikan o m...