Posts

Showing posts from February, 2026

Pagdalo sa "Hugyaw" sa pagtatapos ng Buwan ng Sining

Image
PAGDALO SA "HUGYAW" SA PAGTATAPOS NG BUWAN NG SINING Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Bilang panitikero at makatâ, dinaluhan ko ang iba't ibang aktibidad ngayong  Pebrero - ang Buwan ng Sining . Mula sa dalawang araw na Pasinayà 2026 mula Pebrero 7-8 hanggang Hugyaw ng Pebrero 27. Bukod sa  Buwan ng Panitikan tuwing Abril  ay binigyan kong halaga ang  Buwan ng Sining . Sapagkat ang mga makatâ ay hindi lang nasa panitikan kundi ang pagtulâ ay isang sining din mula pa noong unang panahon. Mula sa isang pagkilos sa panawagang pagpapalaya sa dalawang kasamang dinakip ng mga pulis sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Edsa@40 at napiit sa Mandaluyong, ay nagtungo ako sa Metropolitan Theater upang panoorin ang Hugyaw ng ikaanim ng gabi. Ang pamagat ng closing program ng Buwan ng Sining ay  "Hugyaw: Ugnayan ng Galing, Katotohanan at Giting"  na magsisimula ng ikaanim ng gabi, ayon sa programa, Open to the Public at Free Admission. Nakaabot ako roon, m...

Kahapon

Image
KAHAPON di ko na sila naabutan leyt ko na kasi nabatid subalit aking sinubukan ang pagmamadali'y di lingid apat na sakay ang inabot traysikel, bus, MRT, at dyip buong sitihol ay inikot wala na, ako'y napaisip tanging hingi ko'y paumanhin di na umabot sa pagkilos sinubukan, pumunta pa rin kahit sa pamasahe'y kapos tungkulin pa rin ay ginawa biyahe ma'y nakakapagod nais kong tupdin ang adhika kaya narito't sumusugod - gregoriovbituinjr. 02.27.2026

Panonood ng pelikulang "Sakada" sa Cine Adarna

Image
PANONOOD NG PELIKULANG "SAKADA" SA CINE ADARNA Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Ala-una ang nakalagay na umpisa ng palabas na  SAKADA  sa Cine Adarna sa UP, Pebrero 24, 2026. Dumating ako ng ala-una y medya. Mabuti't di pa talaga nagsisimula  ang palabas. Nasa introduksyon pa lang ang emcee at tinalakay ang ilang detalye hinggil sa Sakada. Buti't  nakaabot pa ako't naumpisahan ang pelikula. Ikalimampung taon na pala ngayong Pebrero 2026 ng pelikulang SAKADA. Una iyong ipinalabas noong Pebrero 1976, panahon ng martial law subalit ilang araw lang umano'y hinarang ng diktador. Ganap na 1:40 ng hapon nang magsimula na kaming manood. Unang esksena pa lang ay matindi na pagkat pinagbabaril ng mga armadong tauhan ng asyenda ang lider ng unyon ng mga magtutubo. Ang mga nagsiganap (ayon sa natatandaan ko at kilalang artista) ay sina Robert Arevalo, Hilda Koronel, ​​Bembol Roco, Gloria Romero, Rosa Rosal, at Tony Santos Sr. Isinalarawan sa pelikula an...

Tatlong libreto ng tulâ sa tatlong taon

Image
3 LIBRETO NG TUL Â  SA 3 TAON Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Mula 2006 ay nakapaglathala na ako ng mga aklat. Una na ang 60-pahinang  "Ningas-Bao" . At huli kong gawang nasaksihan ni misis na nalathala ay ang 24-pahinang libretong  "Bakit natin dapat alagaan ang kalikasan?"  noong Pebrero 2020. Siya ang nagdisenyo ng cover o pabalat ng aklat. Apat na taon pa ang nakalipas bago nakapaglabas muli ng aklat ang inyong lingkod. Ang tema'y hinggil sa mga napapanahong isyu o usapin sa lipunan. Ang huli kong aklat na ginawa noong nabubuhay pa si misis ay ang  "Malayang Salin ng mga Tula ng mga Makatang Palestino"  kung saan ang pagsasalin ng tula sa aklat na ito'y sinimulan noong Oktubre 1, 2024, na sana’y tuloy-tuloy sa buong Oktubre, at abutin ng  Nobyembre 29  para sa  International Day in Solidarity with the Palestinian People.  Bawat araw ay may isang tulang isinalin. Subalit natigil ito noong Oktubre 23, 2024 dahil si ...

Pagdalo sa Awit at Aksyon Kontra Korapsyon sa QC Circle

Image
PAGDALO SA AWIT AT AKSYON KONTRA KORAPSYON SA QC CIRCLE Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakita ko ang patalastas ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon hinggil sa  "People Power 40 sa QC: Awit at Aksyon Laban sa Korapsyon: EDSA@40 Kick Off Concert"  ng Pebrero 21, 2026 sa ganap na ikaapat ng hapon. Naisipan kong daluhan iyon dahil walang mapiga sa utak ko upang magsulat. Baka pag naroon ako'y may mga salitang pumukaw sa akin upang kumathâ. Kayâ nagpasya akong magtungo roon at makinig. Dumating ako sa ganap na ikaapat ng hapon. Nasa isang sulok lang ako. Umupo roon nang nag-iisa. Tahimik na nakinig sa konsyerto. Mag-isa at nakiisa sa pag-alala sa Unang Pag-aalsang Edsa. Sa totoo lang, wala namang pinangako ang Edsa sa bawat isa. Walang isang taong nangako na pag sumama ka sa Edsa ay gaganda na ang búhay mo. Alam ko dahil naroon ako kasama ng mga kaibigan ng aking ama sa simbahan at namigay kami ng pandesal. Si ama'y kabilang sa Holy Name Society kung saan...

Xavier X, Voltes V, at Mazinger Z

Image
XAVIER X, VOLTES V, AT MAZINGER Z Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Matapos ang matagumpay na Lunsad-Aklat ng aking librong "Tula't Panawagan para sa Hustisyang Panlipunan" nitong Pebrero 20, 2026, bilang handog sa World Day of Social Justice, nagtungo na ako sa Sine Pop sa Cubao upang manood ng screening na  Atin ang People Power . Free Admission ito. Dahil wala pang gagawin sa gabi ay doon na ako tumuloy. Ayokong sayangin  ang pagkakataon upang panoorin ang limang maiikling pelikula roon. Ang limang pelikula ay pinamagatang  1. Silent Spaces  (tungkol sa kwento ng isang dating bilanggong pulitikal na tinortur at lumaya matapos ang Pag-aalsang Edsa);  2. Ang Sandata ni Mama  (tungkol sa Voltes V, este Xavier X pala);  3. Recipe for Change  (tungkol sa isang dating political prisoner na cook sa kulungan);  4. Alingawngaw  (tungkol sa salaysay ng mga kabataan sa rali); at  5. Sa Pwesto ni Pistong  (tungkol sa a...

Sa Nuclear Energy Safety Act, nukleyar nga ba'y ligtas?

Image
SA NUCLEAR ENERGY SAFETY ACT, NUKLEYAR NGA BA'Y LIGTAS? Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nagulat ako sa dinaluhan kong Nuclear Energy 101. Sa talakayan kanina, nabatid kong naisabatas na pala ang Republic Act No. 12305 o ang Philippine National Nuclear Energy Safety Act (PhilAtom Law) na nilagdaan nitong Setyembre 2025. Nilikha nito ang Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilAtom). Ang tanong nga, paano naging safe ang nuclear energy? Saan ilalagak ang mga nuclear waste? Bakit kaybilis maisabatas ng RA 12305? Dahil ba sinabi ni Rep. Mark Cojuangco kay BBM na proyekto ni Marcos Sr. ang nukleyar kaya dapat itong iprayoridad? Dumating ako sa venue ng bandang alauna ng hapon, at dumalo roon ang maraming environmental advocates. Batid naman nating maraming environmentalist ang tutol sa enerhiyang nukleyar. Lalo na kung titingnan at susuriin ang mga nangyari sa Chernobyl sa Russia, sa Three Mile Island sa US, at sa Fukushima sa Japan. Dalawang ekspertong ma...

Pinuntahang dalawang burol sa loob ng tatlong araw

Image
PINUNTAHANG DALAWANG BUROL SA LOOB NG TATLONG ARAW Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Linggo, Pebrero 15, 2026, pinuntahan ko ang burol ng aking tiyahin kaya madaling araw pa lang ay nagbiyahe na ako mula Cubao, Quezon City patungong Nasugbu, Batangas. Nakarating ako roon ng bandang ikapito ng umaga. Ikasampu ng umaga ay bumiyahe na kami patungong bayan ng Calaca. Dumating kami pasado alas-dose ng tanghali. Matapos misahan sa simbahan ng San Raphael ng alauna ng hapon ay inilibing na ang Tiya katabi ng puntod ng aking ama, ng dalawa pang tiya, at ng aking mamay (lolo) at inang (lola). Si Tiya Oreng ang tumanggap ng tapis sa ikalawang kasal namin ni misis sa katutubong Igorot na ritwal (July 6, 2018). Kinabukasan naman ang ikatlong kasal sa simbahan (July 7, 2018, na itinaon namin sa anibersaryo ng Katipunan). Martes, Pebrero 17, 2026, pinuntahan ko naman ang burol ng asawa ng aking pinsang buo sa Taytay, Rizal. Umalis ako ng Cubao bandang ikalawa ng hapon at dumating r...

Panonood ng dokumentaryong Gomburza sa MET

Image
PANONOOD NG DOKUMENTARYONG GOMBURZA SA MET ‎Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. ‎ ‎Madaling araw na nang lumuwas ako ng Maynilà galing Batangas. Nailibing na ang aking tiyahin kahapon. ‎ ‎Ikaapat pa lang madaling araw ay nakasakay na ako ng bus at nakarating ng ikaanim ng umaga sa PITX sa Pasay Kaybilis ng biyahe. Nakauwi akong bahay ng ikapito ng umaga. Ang halos pitumpung kilometro galing lalawigan ay dalawang oras habang ang halos labing-anim na kilometro ay isang oras. ‎ ‎Pagkauwi ko'y naghanda na rin ako upang makarating ng maaga sa  Metropolitan Theater  sa Maynilà upang mapanood ang palabas na  Gomburza . Dumating ako roon ng alas-diyes y medya ng umaga para sa alas-onseng palabas, Pebrero 16, 2026, araw ng Lunes. ‎ ‎Kaysarap ng upo ko. Akala ko bago mapanood ang pelikula ay maikling dokumentaryo muna. Hanggang dumami ang paglalahad ng mga historyan hinggil sa  Gomburza . Hinihintay kong mag-umpisa ang pelikula. Subalit natapos na ang dokumenta...

Pamimigay ng mga aklat sa Araw ng mga Pusò

Image
BOOK GIVING SA ARAW NG MGA PUSÒ Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Friday the 13th, madaling araw, nang mabasa ko ang ibinahaging patalastas ng Santelmo Publication sa pesbuk, hinggil sa  Book Giving  sa  Quezon City Public Library  sa  Araw ng mga Pusò , ng ikasiyam ng uamaga. Para rin ang donasyong ito sa mga  PDL (Persons Deprived of Liberty)  na nasa  Quezon City Jail. Bago mag-ikawalo ng umaga ng Pebrero 14, 2026, ikawalong anibersaryo ng civil wedding namin ni misis sa Tanay, katatapos ko lang ng isang tulâ bilang pag-alala sa namayapa kong asawa, nang mabasa ko muli sa patalastas ng Santelmo ang oras na 9am-10am. Akala ko'y 9am-12nn, mali pala ako. Kaya pandalas akong naligo, nagbihis, kumuha ng mga aklat na ido-donate ko, at naghandâ nang umalis. Pagkarating ko'y alas-nuwebe y medya na. Nagsimula na ang programa. Naabutan kong namimigay na ng mga aklat si  Rio Alma  o  National Artist Virgilio Almario ....