Posts

Utang

Image
UTANG di ko pa magamit ang pagsulat at pagsasalin upang kumita ng pera't makabayad ng utang na umabot ng milyon, saan ko iyon kukunin tila ako'y isang dambuhala't malaking mangmang ngunit umaasang makalilikhâ ng nobela hinggil sa mga napapanahong problema't isyu: katiwalian, flood control, panawagang hustisya, dinastiya, buwaya, buwitre, kawatan, trapo, o pagsinta, makatâ ma'y wala sa toreng garing, o ikwento ang isyu ng manggagawa't pesante, o prinsipyo't tindig sa mga akda'y mapatining, o kalagayan ng manininda, batà, babae marahil ay parang  Lord of the Rings  o  Harry Potter katha nina  J.R.R. Tolkien  at  J.K.Rowling mga idolo kong awtor, magagaling na writer o kaya'y awtor na sina  Mark Twain  at  Stephen King kumita sila sa kakayahan nilang magsulat ng mga akdang pumukaw sa harayà ng madlâ marahil, mga utang nila'y nabayaran agad dahil kumitang lubos ang kanilang mga akdâ - gregoriovbituinjr. 01.22.2026

Ang aklat na Still Breathing, 100 Black Voices on Racism

Image
ANG AKLAT NA STILL BREATHING, 100 BLACK VOICES ON RACISM Nabili ko ang aklat na  Still Breathing, 100 Black Voices on Racism, 100 Ways to Change the Narrative , sa Book Sale sa Farmers Cubao noong Enero 10, 2026, sa murang halagang P35.00 lang. Makapal ang aklat na umaabot ng 308 pahina. Kaytindi ng pamagat ng aklat:  Still Breathing . Ibig sabihin: Humihinga pa! Humihinga pa sila dahil hindi sila natulad sa nangyari kay  George Floyd . Humihinga pa dahil nabuo ang kampanyang  Black Lives Matter  nang mamatay si Floyd. Natipon sa aklat ang isang daang boses ng mga tumututol sa rasismo sa Amerika, bunsod ng pagkamatay ng Itim na si George Floyd noong Mayo 25, 2020 sa Minneanapolis. Si Floyd, 46-taong-gulang, ay namatay matapos siyang arestuhin ng pulisya dahil sa umano'y paggamit ng pekeng $20 na perang papel. Mahigit siyam na minuto siyang niluhuran sa leeg ng pulis na si Officer Derek Chauvin, na nagresulta sa atake sa puso. Ang pangyayaring iyon ang naging san...

Isang pelikula at isang talambuhay sa MET

Image
ISANG PELIKULA AT ISANG TALAMBUHAY SA MET Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Dalawang palabas ang pinanood ko ngayong araw sa Metropolitan Theater sa Maynila. Ang una ay ang pelikulang  Kakaba-kaba ka ba?  At ang ikalawa'y ang  Del Mundo  hinggil sa talambuhay ni Clodualdo Del Mundo Jr. Bago ang pagpapalabas ng dalawang nabanggit ay may tatlong bidyo ng patalastas hinggil sa MET na ang nagpapaliwanag at si Ginoong Boy Abunda. Ang  Kakaba-kaba ka ba?  ay pinagbidahan nina Christopher De Leon, Charo Santos, Jay Ilagan, at Sandy Andolong. Hinggil iyon sa hinahanap na casette tape ng mga kasapi ng isang malaking grupo. Nagkaroon din ng konsyerto sa dulo na siyang ikinahuli ng mga masasamang loob. Ang  Del Mundo  naman ay dokumentaryo hinggil sa talambuhay ng screenplay writer na si Clodualdo Del Mundo Jr., ang anak ng batikang manunulat na si Clodualdo Del Mundo. Matapos ang dokumentaryong  Del Mundo  ay nagkaroon pa ng talakayan ng...

Ang tatlo kong aklat ng U.G.

Image
ANG TATLO KONG AKLAT NG U.G. Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Dapat sana'y apat na ang aklat ko hinggil sa underground, subalit hindi ko na makita ang kopya ko ng  Notes from the Underground  ng Rusong manunulat na si Fyodor Dostoevesky. Ang mayroon ako ngayon ay ang tatlong aklat hinggil sa mga rebolusyonaryong Pilipino. Ang dalawa'y nakadaupang palad ko ng personal noong sila'y nabubuhay pa, at ang isa'y di ko nakilala subalit kapwa ko taga-Sampaloc, Maynila. Si  Ka Popoy Lagman  (Marso 17, 1953 - Pebrero 6, 2001) ay naging pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Si  Dr. Francisco "Ka Dodong" Nemenzo  (Pebrero 9, 1935 - Disyembre 19, 2024) naman ay pangulo ng Laban ng Masa (LnM), at dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Habang si  Edgar Jopson  (Setyembre 1, 1948 - Setyembre 21, 1982) ay isang dating lider-estudyante noong panahon ng Batas Militar. Noong bata pa ako'y bumibili kami ng tatay ko sa kanilang grocer...

E-Jeep pala, hindi Egypt

Image
E-JEEP PALA, HINDI EGYPT "Sumakay kami ng Egypt!" Sabi ng kaibigan kong dating OFW. "Buti, dala mo passport mo." Sabi ko. Agad siyang sumagot. "Bakit ko naman dadalhin ang passport ko, eh, sinundo ko lang naman ang anak ko upang mamasko sa iyo." "Sabi mo, galing kayong Egypt.." Ani ko. "Oo, e-jeep ang sinakyan namin punta rito." "Ah, 'yung minibus pala ang tinutukoy mo. E-jeep, electronic jeep, at hindi bansang Egypt." @@@@@@@@@@ e-jeep at Egypt, magkatugmâ isa'y sasakyan, isa'y bansâ pag narinig, singtunog sadyâ kung agad mong mauunawà ang pagkagamit sa salitâ pagkalitô mo'y mawawalâ ang dalawang salita'y Ingles mundo'y umuunlad nang labis sa komunikasyon kaybilis bansang Egypt na'y umiiral sa panahong una't kaytagal nasa Bibliya pang kaykapal bagong imbensyon lang ang e-jeep kahuluga'y electronic jeep kuryente't di na gas ang gamit - gregoriovbituinjr 01.10.2026

Haring Bayan

Image
HARING BAYAN Napanood ko nitong Nobyembre 27, 2025 sa UP Film Center ang palabas na Lakambini, hinggil sa talambuhay ng ating bayaning si Gregoria de Jesus, o Oriang. May tagpo roon na nang dumalaw si Gat Andres Bonifacio sa isang bayan, may sumisigaw roon ng "Mabuhay ang Supremo! Mabuhay ang Hari ng Bayan!" Na agad namang itinama ni Gat Andres. "Haring Bayan!" Inulit uli ng umiidolo sa kanya ang "Mabuhay ang Hari ng Bayan!" At itinama uli siya ng Supremo, "Haring Bayan!" Mahalaga ang pagwawastong ito. Walang hari sa Pilipinas. Ang tinutukoy ni Bonifacio na hari ay ang malayang bayan, ang Haring Bayan o sa Ingles ay Sovereign Nation, hindi King of the Nation. - gregoriovbituinjr. 01.07.2026

Ang nobelang Maring

Image
Ang nobelang Maring Natapos kong basahin sa isang upuan ang nobelang Maring ng Katipunerong si Aurelio Tolentino kanina sa Fiesta Carnival. Mula pahina 1 hanggang 70. May pitong kabanata ito. Balak ko kasing gawan ng buod ang bawat kabanata. Sa unang kabanata ay isulat na agad ang buod saka na sunod na basahin ang ikalawang kabanata. Subalit nawili ako sa pagbabasa, dahil kaygaganda ng banghay at napukaw agad ako sa mga kwento. Kayâ natapos ko agad sa isang pag-upo sa isang upuan sa Fiesta Carnival ang nasabing nobela. Saka ko na ikukwento ang buong nobela, pagkat isusulat ko muna ang buod ng bawat kabanata. Kinagiliwan ko ang nobelang ito na noong panahon pa ng pananakop ng mga Amerikano ang pinangyarihan ng magandang nobela. Lalo na't isang Katipunero na kapanahon ni Andres Bonifacio ang sumulat ng akda. - gregoriovbituinjr. 01.05.2026